Pages

Saturday, 27 June 2015

Job Interview: Sample Questions / Mga Tanong sa Interview

Job Interview: Sample Questions / Mga Tanong sa Interview


Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot tayo sa pag-apply ng trabaho ay ang job interview. Oo nga naman nakaka-nerbyos di ba? Dahil wala kang idea kung ano nga ba ang itatanong sayo. 

Kaya nandito ang mga ilang example ng mga interview questions at nang mapaghandaan mo ang pwede mong isagot sa mga ito. 

Basahin ang mga sumusunod at i-try mo rin na sagutin habang binabasa. Practice kumbaga. 


Commonly Asked Questions in an Interview

1. Tell me about yourself. (Name, age, location, skills, experiences.)
2. Tell me about your strengths and weaknesses. (Weaknesses first then strengths, at least cite 3 of each.)
3. Where do you see yourself in 5 years? (I see myself in your company --- dugtungan mo na lang eto.)
4. Why do you want to work for this company?
5. What relevant experience do you have? (Anong work experience na meron ka na related sa job position na   
     ina-applyan mo ngayon.)
6. Why should I hire you? (Your answer should be short and straight to the point.)
7. What can you do for us that someone else can't?
8. Why do you believe you are qualified for this position?
9. Have you got any questions?
10. What is your expected salary?
11. What is your professional and/or personal long-term goal? 
12. Why did you leave your previous job?

Points to Remember
  • Don't be late.
  • Be spontaneous. (Tuloy -tuloy na pagsasalita, or may tuloy-tuloy na thought regarding sa topic. Hindi yung tinanong ka at sasagot ka lang ng one word na "Yes" o kaya naman "No".  Try to add up some details when asked.)
  • Research on the company you are applying for. (Importante ito, kailangan maipakita mo na interesado ka talaga sa company nila at hindi ka lang dinala ng hangin sa pintuan ng company.)
  • Don't ask for the salary offer on the onset of the interview. (Huwag mong ibukana ang tanong kung magkano ang sweldo. Tandaan, ikaw ang for an interview at hindi ang employer or HR manager.)
 
Naka-experience ka na ba ng job interview? Ano ang mga  tinanong nila sayo? Paano mo sinagot ang mga tanong? Share your thoughts para naman makatulong din tayo  sa iba.

Mga related post tungkol sa trabaho nasa Paano Trabaho category.

* A simple "Thank you" is truly appreciated by liking us on Facebook or share this post*

Job Interview Extra Tips

Paano Sumagot sa Job Interview

Hooray! 

Nakatanggap ka ng notice for an interview. Nakapasa sa mga mata ng employer or hiring manager ang ginawa mong resume. At sana nga nakatulong ang tips na binigay namin dito sa PaanoPinoy. 

Ang next na step ay ang job interview. 

Basahin sa mga sumusunod ang mga ilang tips para sa iyo.


Paano Sumagot sa Job Interview:


1. Laging isipin na positibo dapat ang isasagot mo. Kung naitanong ang gap ng employment mo, pwede mong gawin na positibo sa pagsabi ng kung ano ang natutunan mo sa mga naging dating trabaho.

2. May mga instances o pagkakataon na sunod-sunod ang tanong or magkaka-dugtong ang tanong ng employer. Try to answer yung mga tanong ng buong-buo at pilitin mong tandaan ang mga tanong nila. Kaya mahalaga ang atensyon sa pakikinig sa employer. Mas propesyonal tignan kung kaya mong sagutin ang mga tanong nila nang hindi mo na kailangan pang ipaulit sa kanila. Pero kung hindi mo talaga matandaan, maging polite sa pagsabi kung maaari ba nila ulitin ang tanong nila.

3. Kailangan na spontaneous o tuloy-tuloy ang pagsasalita mo kapag tinanong ka. Huwag ka lang magbibigay ng sagot tulad ng "Oo" o "Hindi". Tulad ng pagtinanong ka ng "What is your best quality?", mas maige namagbigay ka ng sarili mong karanasan o anecdote kung saan nagamit mo ang "best quality" mo sa isang employment setting o sa trabaho.

4. Maging alisto sa kung anuman ang lumalabas na sagot mula sa iyong bibig. Huwag maging emosyonal. Hindi guidance counselor ang makikinig sayo. Kaya kailangan nilang marinig kung ano ba ang maitutulong mo para sa company. At tandaan, walang excuse sa pagiging bastos sa interview.Be polite.

5. Kung matanong ka man ng close-ended questions, mga tanong na pwedeng sagutin lang ng yes or no, ay huwag makuntento sa one-word answer. Gusto ng employer na may mas marinig pa sila mula sa iyo.

6. Maging totoo sa mga sagot mo. Okay lang naman na magpa-impress pero makikita at magiging obvious lang din kung hindi totoo ang sinasabi mo sa huli. Kailangan makita ng employer ang sinsiridad sa mga sagot mo. Mas mainam kung may eye contact ka sa employer. Pero kung makita mo na uncomfortable ang nag i-interview sayo na tinigtignan mo sya sa mata, maaring ituon ang tingin sa iba.

7. Kung naging totoo ka sa sagot mo, mas importante na maging totoo ka sa sarili mo. Tinitignan din ng employer ang pagkatao mo kung aakma ka nga sa workplace environment at kung madali kang pakisamahan. Sino nga ba naman ang magha-hire ng employee na magiging sakit lang sa ulo di ba?

8. Gumamit ng mga tamang pananalita. Tandaan na nasa isang propesyonal na kapaligiran ka (professional environment) kaya iwasang gumamit ng mga salitang hindi akma sa trabaho. (Hindi mo ka-berks si Boss.)


  • Magsuot ng akma para sa interview. Yung komportable na damit at hindi revealing (para sa mga babae at lalake), dumating sa oras ng interview 30 minutes bago ang appointment.
  • Iwasan ang mga mannerisms tulad ng malikot na mata, pagkagat ng labi, kung anu-anong ginagawa sa kamay, at iba pa.
  • Pag-aralan ang ibang detalye about sa company at sa posisyon na pinapasukan.
  • Mahalaga ang ballpen o anumang panulat. Ugaliin magdala nito. Malay mo pumirma ka na ng kontrata. [Ayos di ba? (^.^) ... ]
  • Kung hindi ka makakapunta sa interview, mainam na tawagan mo ang opisina. 

Kung ang interview mo ay para sa isang online job, pwedeng via chat, Skype/voice, videocall ang interview. Kaya maging presentable pa rin.
  • Isipin na ang online job interview ay tulad din ng interview sa isang office. Huwag maging kampante at laid-back.
  • Hindi mo alam kung gaano kahaba o kaikli ang isang job interview kaya gawin mo na lahat ang dapat gawin bago pa man. Tulad ng pag-CR, pagkain, at iba pa.
  • Hintayin na ang interviewer ang magtatapos sa appointment.

Ang mga sinabi ko dito ay ilang tips lang naman at paraan kung paano sumagot sa job interview. Feel free na magbigay ng iba pang tips sa ilang readers ng PaanoPinoy.

Related posts tungkol dito ay makikita sa Paano Trabaho.

Share mo rin eto sa iba. Click lang sa ibaba. Salamat!

Isang Overview Kung Paano Gumawa ng Resume

Isang Overview Kung Paano Gumawa ng Resume


Isa sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng resume ay kung ano nga bang mga impormasyon ang dapat ilalagay mo at bibigyang pansin or emphasis. Kailangan makuha mo ang atensyon ng HR manager o ng employer na makatatanggap ng ipapasa mong resume. 

Sa dami ng resume na natatanggap ng bawat opisina at  kahit na hindi naman siguro sila nag-advertise ng mga job vacancies malamang isang tambak pa rin ng resume ang dumadating sa kanila. 


General Tips para sa Pag-gawa ng Resume

1. Sumulat ka ng cover letter o application letter ang tawag ng iba. Ipakilala mo ang sarili mo at ilagay kung bakit ka nga ba nila dapat tanggapin. Ang cover letter ay hindi summary ng buong resume mo.

2. Alamin kung ano ang trabaho/posisyon ang gusto mong pasukan at kung ano ang mga qualifications na hinahanap nila.

3. Pumili ng design para sa resume moMarami naman mapagpipilian sa Microsoft Office Word o kaya sa internet. Mas maganda kung gumawa ka ng outline  at para ka na lang mag fill-in-the-blanks pag naglagay ka ng mga information sa templateng resume design na napili mo. Sa pag-gawa ng outline pwedeng isama angobjective, work experience, qualifications at references.

4. Isulat ang objective mo sa resume, make sure na ang ilalagay mo ay angkop saposisyon/trabaho na gusto mong pasukan. At ilagay mo rin kung ano ang vision mo para sa company kung tatanggapin ka nila. Kumbaga, ano ba ang ma-ko-contribute mo. This can determine kung babasahin ba nila ang resume mo at mailagay for the next round. =)

5. Use bullet points at maging concise sa pagsulat ng resume. Highlight mo angmga qualifications na angkop para sa trabaho. Unahin mong ilagay ang mgastrengths or good points na relevant para sa posisyon. Huwag maging masyadong mabulaklak. At kung wala ka pang work experience, focus on how your education prepared you for the position for which you are applying.

6. Remain positive at iwasan ang maglagay ng mga bagay tulad ng bakit umalis ka sa dati mong pinagta-trabahuan o bakit may mga gaps sa work history mo. Ang mga bagay na ito ay pwedeng pag-usapan na lang ng personal sa interview.

Tips

  • Font size not smaller than 10 point at nasa 1- 2 pages lang.
  • Minsan may mga company or HR manager na tumitingin lang sa mgasinasabing "keywordskaya magandang gamitin ang mga action words like prepared, directed, managed, developed, monitored, implemented, coordinated and presented sa resume mo lalo na sa cover letter.
  • At parang awa, wag maglagay ng picture na kinuha lang mula Facebook. (Meron talaga nito, marami na rin akong nakitang aplikante na nagtipid ata para sa pictures nila. Invest in your resume. It's the one thing that will sell you.)
You are hired!

Related Posts tungkol sa RESUME. <<< Click mo lang yan.
Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang  dito . At kung may nais kayong i-share o itanong maaari kayong mag iwan ng mensahe sa Contact form o kaya naman sa comment box sa ibaba. Salamat!

The Boy Scout

The Scout Law (English)

  • Trustworthy
  • Loyal
  • Helpful
  • Friendly
  • Courteous
  • Kind
  • Obedient
  • Cheerful
  • Thrifty
  • Brave
  • Clean
  • Reverent                                                                                      
  • Ang Batás ng Scout (Filipino/Tagalog)[edit]

    Ang Scout ay;
  • Ang Scout ay:
    • Mapagkakatiwalaan
    • Matapat
    • Matulungin
    • Mapagkaibigan
    • Magalang
    • Mabait
    • Masunurin
    • Masaya
    • Matipid
    • Matapang
    • Malinis
    • Maka-Diyos
  • Vision[edit]   

    To be the leading provider of progressive outdoor-based non-formal education
    committed to develop morally straight, disciplined, concerned, self-reliant
    citizens in the best tradition of World Scouting.

    Mission[edit]

    To inculcate in our Scouts and love of God, country and fellowmen;
    To prepare the youth for responsible leadership; and
    To contribute to nation-building according to the ideals, principles and program of Scouting.