Isang Overview Kung Paano Gumawa ng Resume
Isa sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng resume ay kung ano nga bang mga impormasyon ang dapat ilalagay mo at bibigyang pansin or emphasis. Kailangan makuha mo ang atensyon ng HR manager o ng employer na makatatanggap ng ipapasa mong resume.
Sa dami ng resume na natatanggap ng bawat opisina at kahit na hindi naman siguro sila nag-advertise ng mga job vacancies malamang isang tambak pa rin ng resume ang dumadating sa kanila.
General Tips para sa Pag-gawa ng Resume
1. Sumulat ka ng cover letter o application letter ang tawag ng iba. Ipakilala mo ang sarili mo at ilagay kung bakit ka nga ba nila dapat tanggapin. Ang cover letter ay hindi summary ng buong resume mo.
2. Alamin kung ano ang trabaho/posisyon ang gusto mong pasukan at kung ano ang mga qualifications na hinahanap nila.
3. Pumili ng design para sa resume mo. Marami naman mapagpipilian sa Microsoft Office Word o kaya sa internet. Mas maganda kung gumawa ka ng outline at para ka na lang mag fill-in-the-blanks pag naglagay ka ng mga information sa templateng resume design na napili mo. Sa pag-gawa ng outline pwedeng isama angobjective, work experience, qualifications at references.
4. Isulat ang objective mo sa resume, make sure na ang ilalagay mo ay angkop saposisyon/trabaho na gusto mong pasukan. At ilagay mo rin kung ano ang vision mo para sa company kung tatanggapin ka nila. Kumbaga, ano ba ang ma-ko-contribute mo. This can determine kung babasahin ba nila ang resume mo at mailagay for the next round. =)
5. Use bullet points at maging concise sa pagsulat ng resume. Highlight mo angmga qualifications na angkop para sa trabaho. Unahin mong ilagay ang mgastrengths or good points na relevant para sa posisyon. Huwag maging masyadong mabulaklak. At kung wala ka pang work experience, focus on how your education prepared you for the position for which you are applying.
6. Remain positive at iwasan ang maglagay ng mga bagay tulad ng bakit umalis ka sa dati mong pinagta-trabahuan o bakit may mga gaps sa work history mo. Ang mga bagay na ito ay pwedeng pag-usapan na lang ng personal sa interview.
Tips
- Font size not smaller than 10 point at nasa 1- 2 pages lang.
- Minsan may mga company or HR manager na tumitingin lang sa mgasinasabing "keywords" kaya magandang gamitin ang mga action words like prepared, directed, managed, developed, monitored, implemented, coordinated and presented sa resume mo lalo na sa cover letter.
- At parang awa, wag maglagay ng picture na kinuha lang mula Facebook. (Meron talaga nito, marami na rin akong nakitang aplikante na nagtipid ata para sa pictures nila. Invest in your resume. It's the one thing that will sell you.)
Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang dito . At kung may nais kayong i-share o itanong maaari kayong mag iwan ng mensahe sa Contact form o kaya naman sa comment box sa ibaba. Salamat!
No comments:
Post a Comment