Paano Sumagot sa Job Interview
Hooray!
Nakatanggap ka ng notice for an interview. Nakapasa sa mga mata ng employer or hiring manager ang ginawa mong resume. At sana nga nakatulong ang tips na binigay namin dito sa PaanoPinoy.
Ang next na step ay ang job interview.
Basahin sa mga sumusunod ang mga ilang tips para sa iyo.
Paano Sumagot sa Job Interview:
1. Laging isipin na positibo dapat ang isasagot mo. Kung naitanong ang gap ng employment mo, pwede mong gawin na positibo sa pagsabi ng kung ano ang natutunan mo sa mga naging dating trabaho.
2. May mga instances o pagkakataon na sunod-sunod ang tanong or magkaka-dugtong ang tanong ng employer. Try to answer yung mga tanong ng buong-buo at pilitin mong tandaan ang mga tanong nila. Kaya mahalaga ang atensyon sa pakikinig sa employer. Mas propesyonal tignan kung kaya mong sagutin ang mga tanong nila nang hindi mo na kailangan pang ipaulit sa kanila. Pero kung hindi mo talaga matandaan, maging polite sa pagsabi kung maaari ba nila ulitin ang tanong nila.
3. Kailangan na spontaneous o tuloy-tuloy ang pagsasalita mo kapag tinanong ka. Huwag ka lang magbibigay ng sagot tulad ng "Oo" o "Hindi". Tulad ng pagtinanong ka ng "What is your best quality?", mas maige namagbigay ka ng sarili mong karanasan o anecdote kung saan nagamit mo ang "best quality" mo sa isang employment setting o sa trabaho.
4. Maging alisto sa kung anuman ang lumalabas na sagot mula sa iyong bibig. Huwag maging emosyonal. Hindi guidance counselor ang makikinig sayo. Kaya kailangan nilang marinig kung ano ba ang maitutulong mo para sa company. At tandaan, walang excuse sa pagiging bastos sa interview.Be polite.
5. Kung matanong ka man ng close-ended questions, mga tanong na pwedeng sagutin lang ng yes or no, ay huwag makuntento sa one-word answer. Gusto ng employer na may mas marinig pa sila mula sa iyo.
6. Maging totoo sa mga sagot mo. Okay lang naman na magpa-impress pero makikita at magiging obvious lang din kung hindi totoo ang sinasabi mo sa huli. Kailangan makita ng employer ang sinsiridad sa mga sagot mo. Mas mainam kung may eye contact ka sa employer. Pero kung makita mo na uncomfortable ang nag i-interview sayo na tinigtignan mo sya sa mata, maaring ituon ang tingin sa iba.
7. Kung naging totoo ka sa sagot mo, mas importante na maging totoo ka sa sarili mo. Tinitignan din ng employer ang pagkatao mo kung aakma ka nga sa workplace environment at kung madali kang pakisamahan. Sino nga ba naman ang magha-hire ng employee na magiging sakit lang sa ulo di ba?
8. Gumamit ng mga tamang pananalita. Tandaan na nasa isang propesyonal na kapaligiran ka (professional environment) kaya iwasang gumamit ng mga salitang hindi akma sa trabaho. (Hindi mo ka-berks si Boss.)
- Magsuot ng akma para sa interview. Yung komportable na damit at hindi revealing (para sa mga babae at lalake), dumating sa oras ng interview 30 minutes bago ang appointment.
- Iwasan ang mga mannerisms tulad ng malikot na mata, pagkagat ng labi, kung anu-anong ginagawa sa kamay, at iba pa.
- Pag-aralan ang ibang detalye about sa company at sa posisyon na pinapasukan.
- Mahalaga ang ballpen o anumang panulat. Ugaliin magdala nito. Malay mo pumirma ka na ng kontrata. [Ayos di ba? (^.^) ... ]
- Kung hindi ka makakapunta sa interview, mainam na tawagan mo ang opisina.
Kung ang interview mo ay para sa isang online job, pwedeng via chat, Skype/voice, videocall ang interview. Kaya maging presentable pa rin.
- Isipin na ang online job interview ay tulad din ng interview sa isang office. Huwag maging kampante at laid-back.
- Hindi mo alam kung gaano kahaba o kaikli ang isang job interview kaya gawin mo na lahat ang dapat gawin bago pa man. Tulad ng pag-CR, pagkain, at iba pa.
- Hintayin na ang interviewer ang magtatapos sa appointment.
Ang mga sinabi ko dito ay ilang tips lang naman at paraan kung paano sumagot sa job interview. Feel free na magbigay ng iba pang tips sa ilang readers ng PaanoPinoy.
Related posts tungkol dito ay makikita sa Paano Trabaho.
Share mo rin eto sa iba. Click lang sa ibaba. Salamat!
No comments:
Post a Comment