Pages

Tuesday, 30 June 2015

Tag Archives: pamahiin


Suwail sa Pamahiin: Ikalimang Birit

Kamusta na mga kabayan? Akin pong muling tatalakayin ang ilang pamahiin na kinagisnan nating mga Pilipino. At gaya ng dati, humihingi ako ng abiso sa mga matatanda, at sa mga kababayang naniniwala sa mga pamahiing ito. Mawalang galang na lamang po.
1. Ang batang may dalawang puyo ay magiging makulit o matigas ang ulo.
Ang puyo (hair whorl) ay isang punto kung saan ang buhok ay tumutubong paikot. Nasa sinapupunan pa lang tayo ay mayroon na tayong puyo. Ang dami ng puyo o direksiyon ng ikot nito ay sang-ayon sa heredity o genetic make-up natin.
Alam ba ninyo na 90% ng mga kananete (hindi kaliwete), and ikot ng kanilang puyo ay clockwise, habang halos 50% ng mga kaliwete ang kanilang puyo ay counterclockwise?
Ngunit walang basehan sang-ayon sa siyensiya, na may kinalaman sa kulit o pagiging matigas ng ulo ang dami ng puyo.
Ang totoo lamang, ay mas mahirap ayusan ng buhok ang may dalawang puyo, dahil sa salu-salungat ang direksiyon ng kanilang buhok. Maaring pasaway ang kanilang buhok, ngunit hindi ang kanilang ugali.
2. Huwag buksan ang payong sa loob ng bahay, dahil ito raw ay malas,  o baka malalaglagan ka ng ahas o butiki.
Naranasan mo na bang buksan ang basang payong sa loob ng inyong bahay upang patuyuin, ngunit binawalan ka ng matatanda dahil sa malas daw ito? Kung may ahas na malalaglag sa loob ng iyong bahay, ay talagang malas ka nga, o dapat ka lang lumipat ng tirahan! Kung sa butiki lang naman ang malalaglag, ay OK lang naman siguro iyon.
Walang katotohanang malas ang magbukas ng payong sa loob ng bahay. Ang nakikita ko lang na hindi maganda ay kung maglalakad kang nakapayong sa loob ng iyong bahay, dahil maaring matabig mo ang mga babasagin sa inyong bahay.
Pero bakit ka nga naman magpapayong sa loob ng bahay? Maliban na lang kung may butas ang inyong bubong o may tumutulong tubig sa inyong kisame, ay OK lang na magpayong. Huwag mo ring tangkaing lumabas ng pinto na nakabukas ang payong. Hindi ka kakasya!
1280px-Cat_under_an_umbrella
Malas bang makasalubong ng pusang itim na nasa ilalim ng bukas na payong sa loob ng bahay?
3. Huwag isukat ang damit pangkasal o trahe de boda, dahil ito ay malas, at hindi matutuloy ang iyong kasal.
Hindi lang mga Pilipino ang may paniniwala na malas ang isukat ang damit pang-kasal bago ka ikasal. Malas din daw kung mapunit ang damit. At huwag din daw susulsihin ng ikakasal ang napunit na damit.
Pero para sa akin ay mas malas kung hindi mo isinukat ang trahe de boda, at sa araw ng kasal mo lang malalaman na hindi pala kasya ang damit. At kung iyong pagpipilitang isuot ang napakasikip na damit, dahil hindi mo isinukat, ay baka lang lalo itong mapunit.
At kapag hindi nagkasya ang damit, hindi ka rin naman siguro papayagan ng Pari na maglakad sa simbahang belo at underwear lang ang iyong suot. Lalong hindi matutuloy ang kasal!
4. Kapag naliligaw, baliktarin ang damit, para hindi ka na maligaw.
Ano kamo? Maliban na lang kung ang suot mong damit ay may built-in na GPS na nakatago sa loob nito, o kaya nama’y may nakatatak na mapa sa loob ng iyong damit, ay kailangan mong baliktarin ang iyong damit, kapag ikaw ay naliligaw.
Kung walang mapa o GPS sa loob ng iyong damit, huwag mo nang baliktarin pa ang suot mo. Dahil kung hindi, ligaw ka na nga, mukha ka pang tanga dahil sa baliktad pa ang iyong damit!
Buti pa, humanap ka na lang ng mapagtatanungan.
5. Huwag mag-regalo ng sapatos o tsinelas. Aapakan o sisispain ka ng iyong niregaluhan.
Sasabihin kong mahirap magregalo ng sapatos o tsinelas, dahil dapat alam mo ang eksaktong sukat ng paa ng iyong reregaluhan, at baka hindi ito magkasya. Dapat alam mo rin ang kanilang gustong moda at style. Dahil baka rinegaluhan mo ng cowboy boots, e combat boots pala ang kanyang hilig.
Pero gayun pa man, siguro ay pasasalamatan ka pa rin naman nila kahit hindi nila masyadong gusto ang bigay mong sapatos o tsinelas, at hindi ka nila aapakan o sisipain. Walang katotohanan ito.
Totoo lang ang kasabihang ito kung ang regalo mong sapatos ay parehong kaliwa. Talagang sipa ang aabutin mo.

Pamahiin sa Kasalang Filipino

Pamahiin sa Kasalang Filipino


Likas ang sampalataya ng mga Filipino sa mga Pamahiin. Subalit ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensiya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga Filipino.
Malawak ang nasasakupang aspeto ng mga pamahiin. Apektado nito ang maraming bagay mula sa pakikipag-isang dibdib, pagdadalantao, pagluluwal ng sanggol, at maging hanggang sa kamatayan. Narito ang ilan lamang sa mga pinaniniwalaan at sinunod na mga Pamahiin sa Kasalang Filipino:
Bago ang Kasal
  • Huwag magligpit ng pinagkainan hangga't hindi pa tapos kumain ang lahat.Hindi makapag-a-asawa ang taong naiwan.
  • Bawal isukat ng babaeng ikakasal ang kaniyang traje de boda o ang kaniyang pangkasal sa dahilang hindi matutuloy ang kaniyang pakikipag-isang dibdib.
  • Hindi raw dapat magkita ang lalaki at babaeng ikakasal isang araw bago ang takdang araw ng kanilang pag-i-isang dibdib. Magkikita lamang sila sa araw mismo ng kanilang kasal.
  • May kasabihan na ang ikakasal ay lapitin sa sakuna o disgrasya kung kaya't habang palapit ang araw ng kasal ay ipinagbababawal na ang kanilang pagbibiyahe ng malayo upang maiwasan ang anumang hindi magandang mangyayari.

Araw ng Kasal
  • Ang bride lang ang dapat na nakasuot ng puti sa araw ng kanyang kasal.
  • Malas daw ang magsuot ng perlas ang ikakasal na babae dahil puro luha raw ang idudulot ng pagsasama nila ng kanyang mapapangasawa.
  • Kung umulan raw ng umaga ng kasal mo, ipinapayo ang pagsasabit ng rosaryo sa sampayan at siguradong sisikat ang araw sa oras ng iyong kasal.
  • "Something old, something new, something borrowed, something blue and a sixpence in her shoe". Ito ang karaniwang kasabihan sa Ingles na kabisado ng mga brides. Sa mismong seremonyas ng kasal, dapat ay may isang gagamitin ang bride sa kaniyang katawan na hiniram, may gagamitin siyang luma at mayroon ding bago. Ang ibig sabihin ng "something old" o ang pagsusuot ng lumang gamit sa katawan ng bride ay ang pananatili daw ng pagkakaibigan ng mag-asawa. Ang "something new" o pagsusuot ng bagong gamit ay sumisimbolo ng pagkakaroon ng masaganang buhay, kaligayahan at kalusugan ng pamilya. Pagkakataon na raw ng pamilya na makapagpahiram ng isang mahalagang bagay sa "something borrowed" pero kailangang ibalik ito ng bride bilang tanda ng swerte. Nagsimula naman daw ang "something blue" noong naglalagay ang mga Israel na babae ng asul na laso sa kanilang mga buhok na sumasagisag ng katapatan. Ang sampera sa sapatos ng bride ay simbolo rin daw ng kaginhawaan sa darating na buhay may-asawa.
  • Kinakailangang maunang dumating sa simbahan ang lalaking ikakasal sa kanyang bride upang maiwasan ang malas.
  • Huwag hayaang mahulog ang belo at aras, higit lalo ang mga singsing bago ito maisuot ng ikakasal sapagkat magdudulot daw ito ng kamalasan sa buhay ng bagong mag-asawa.
  • Kapag natapakan ng bride ang paa ng groom habang sila ay sumasayaw, maa-"under" daw ito habang buhay o madodominahan ng babae ang asawang lalake.
  • Kapag namatay ang kandila sa may tabi ng isa sa ikinakasal, ito ay mauunang mamamatay sa kaniyang kabiyak.
  • Hangga't maaari, huwag pabayaang maunang lumabas ang bride sa pintuan ng simbahan sa dahilang madadaig daw niya ang groom sa pagpapatakbo ng kanilang buhay.
  • Senyales daw ng pertilidad ang pagsasabog ng bigas sa bagong kasal habang palabas ng simbahan.
  • Kapag ang buwanang dalaw ng babaeng ikakasal ay pumatak sa mismong araw ng kanyang kasal, mabibiyayaan daw sila ng maraming anak.
Resepsyon/Mga Regalo
  • Kapag hindi gaanong lumipad sa oras ng kasal ang kalapati ng groom, matatalbugan ang lalaki sa propesyon o karera ng babaeng ikakasal.
  • hindi raw dapat na magbibigay ng mga kutsilyo o ano pang mga kasangkapan na matulis o matalas dahil magkakahiwalay raw ang mag-asawa. At kung meron ngang matatanggap na ganitong regalo, kailangan raw na magbigay ng maliit na halaga (piso o mamera) ang bagong kasal sa nag-regalo para lumabas raw na "bili" ito at hindi "regalo".
  • Ang pagbibigay ng arinola ay sinasabing magbibigay ng swerte sa mag asawa.
  • Maswerte rin daw kung magbabasag ang bagong kasal ng isang bagay sa resepsyon.
  • Ang bagong kasal ang unang naghahati ng wedding cake bilang tanda ng kanilang pagsasama habang buhay. Ang mga bisita ay nakikisalo sa keyk upang sila rin ay swertihin. Para naman sa mga dalaga, sinasabing maglagay daw ng maliliit na piraso ng keyk sa ilalim ng unan upang mapanaginipan kung sino ang kanilang mapapangasawa.
  • Mas maraming pagkain ang nakahanda sa resepsyon, mas maraming biyaya ang matatanggap ng mag-asawa.

-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 

Mga Pamahiin sa Lamay at Libing

Mga Pamahiin sa Lamay at Libing

Maraming matatandang pamahiin na hanggang ngayon ay namamayani pa rin at isa na rito ay ang mga pamahiin tungkol sa patay.

Ilang araw pa lang ang nakararaan ng umuwi ako sa aming probinsya upang makiramay sa aking kaibigan na nawalan ng kanyang mahal sa buhay, at aking na obserbahan pa rin ang mga pamahiing ito.

Alam ko naman na walang masama sa pamahiin subalit ang nakakapagtataka lang (at medyo nakakatawa) ay kung bakit hindi nila maipaliwanag kung bakit ito dapat gawin at sundin.


Ito ang mga listahan nga mga pamahiin na aking napag ukulan ng pansin mula pa sa aking pagkabata.(Ang iba po dito ay hindi ko na obserbahan mga sa huling lamay na aking napuntahan subalit itulot nyo na ito ay maisama ko sa aking pagbabahagi.)


Pamahiin Kapag May Patay

1 .Bawal magsuklay ng buhok sa lamay - Malas raw.

 Ito lang ang nakuha ko na paliwanag. Paano pag mukha ka ng bruha? Baka ang mga  nakikiramay na nag matakot sayo. :-)

2. Bawal maligo sa bahay kung nasaan ang lamay -  Malas raw.

Ito na naman ang dahilan .. Subalit ng ako ay magsaliksilk sa tulong ng  aking kaibingang si google, baka raw ang dahilan ay dahil puyat ang mga tao sa pagbabantay sa patay. Bawal maligo dahil puyat, baka sila magkasakit at sumunod na mamatay.

3. Bawal magwalis  - Dahil itinataboy mo raw ang kaluluwa ng namatay at isinasama mo sa kanya ang kaluluwa ng kanyang mahal sa buhay.

Paano kung masyado ng marumi ang inyong bakuran? Bawal pa rin?

Makwento ko lang...Nagwalis ng bahay namin ang aking pinsan ng namatay ang aking ama at buhay pa naman kaming lahat kahit mahigit sampung taon na ang nakakaraan.

4. Bawal matuluan ng luha ang patay at ang kabaong - Para raw hindi mahirapan ang namatay sa kanyang paglalakbay sa kabilang buhay.

Pinagalian ako ng tiyahin ko nuong bata pa ako ng dahil dito. Bawal daw. Pero hindi naman niya ipinaliwanag kung bakit. Kaya kapag may patay dapat lagi ka may panyo para sigurado na sa panyo mo lang mapupunta ang luha mo.

5. Maglagay ng sisiw sa kabaong kapag ang yumao ay namatay sa krimen -  Para raw makunsenya ang mga ay sala. Hindi sila patatahimikin ng huni ng mga sisiw.

Siguro kung totoo ito eh sana marami ng sumuko na kriminal. (O baka naman sanay na ang kriminal sa huni ng sisiw :-) kaya hindi na sila nababagabag at nabubulabog.

6. Dapat bantayan 24/7 ang patay . Bawal matulog ang bantay -  Dahil kapag natulog daw ang bangkay ay darating ang aswang at papalitan ng katawan ng saging ang bangkay. Hindi mo raw malalaman na napalian ang bangkay sapagkat kamukha na ng bangkay ang puno ng saging na nakalagay sa ataul. Subalit kapag idinaan mo ang bangkay sa bintana (ilalabas ng bahay pero sa bintana idadaan) ay magbabagong anyo ito at magiging saging uli.

Hindi po ito kathang isip lamang. Dati kong kaopisina ang nagkwento nito sa akin.

7. Huwag mag uuwi ng pagkain galing sa patay -  Bawal daw.

Naisip ko lang, baka maraming nag te-take out kaya naisip nila na ipagbawal.. may dine-in na, may take out pa :-).

8. Dapat may rosaryo sa kamay ng namatay. Pinapatid ang rosaryo at inaalis sa bangkay bago ito ilibing -  Para raw maputol na ang kamatayan at wala ng sumunod sa pamilya kaya pinuputol ang rosaryo.

Ilang tao ang napagtanungan ko bago may nakapagsabi ng dahilan kung bakit dapat putulin ang rosaryo. Buti na lang alam ng taga punerarya ang sagot.

Pero tanong lang uli.. Di ba banal ang rosaryo para sa mga Katoliko? Bakit ito puputulin kung banal ito? Ano ang gagawin nila sa rosaryo pagkatapos?

9. Bawal magpasalamat ang namatayan sa mga nakikiramay -  Baka raw ang isipin ng ibang tao ay nagpapasalamat ka dahil may namatay sa inyo.

Hindi ko medyo maintindihan ang lohika nito. Kung ikaw ang nakikiramay, bakit mo naman iisipin na nagpapasalamat sila dahil namatay ang mahal nila sa buhay?

10. Bawal ihatid sa labas ang nakikiramay  -  Basta malas daw. Bawal. Period.

Paano kung madilim sa labas at gusto mo lang makasiguro na makakauwi sya ng ligtas?

11. Bawal mag suot ng pula. -  Ang pula ay kulay ng kasiyahan kaya bawal itong suotin habang nagluluksa.

Tama lang ito para sa akin. Dapat ipakita mo sa namatayan ang itong pakikiramay maging sa iyong kasuotan.

12. Bawal bumalik ang mga tao na nakalabas na ng bahay kapag nailabas na ang bangkay (sa bahay). Ibilin na lang sa mga nasa bahay pa ang bagay na naiwan. - Para raw wala ng sumunod na mamamatay sa pamilya.

Pero paano kapag importanteng bagay ang naiwan  at lahat ay nakalabas na sa bahay?

13. Bawal lumingon sa bahay na pinagburulan. -  Deretso lang ang tingin ng lahat. May susunod daw na mamamatay sa pamilya kapag may lumingon.

Hindi kaya sumakit ang leeg ng mga nakikiramay?

14. Dapat malinisang mabuti ang bahay na pinagburulan ng bangkay bago pa makauwi ang mga kamag anak na nakipag libing. - Para raw matanggal lahat ng malas at mga masamang enerhiya na naiwan.

Tama lang, dahil bawal magwalis habang may patay kaya dapat linisin agad ang bahay.

15. Bawal tumingin sa yumao ang buntis.. bago ito ilibing (ilagay sa hukay) - Baka daw maisama sa hukay ang bata na nasa sinapupunan.

Hmmmp.  sige na nga. Nakakatakot ito pag hindi sinunod.

16. Magpalipad ng puting lobo sa oras ng libing - Para raw maitaas rin sa langit ang ating mga kahilingan na makapaglakbay ng matiwasay ang ating yumaong mahal sa buhay at makating sya agad sa langit.

Bago ito para sa akin at iilang beses ko pa lang ito nakikita. Naisip ko, baka bagong pakulo ito ng burial plan management. :-)

17. Ihakbang sa ataul lahat ng mga bata - Para huwag daw managinip ng masama at huwag multuhin ng patay.

Pano kapag takot sa patay ang bata? Hindi kaya sila magka trauma?

18. Alisin lahat ng pardible na ginamit sa paglalagay ng pangalan. Iwan ito sa sementeryo. - Para raw malaya at hindi na nakakabit dito sa mundo ang namatay.

Naiuwi ko sa bahay ang lahat ng pardible ng namatay ang aking ama. Biglang nanlaki ang mata ng aking ina ng malaman ito at nagkarroon agad ng ritual sa loob ng aming tahanan. Bata pa ako nuon at hindi ko alam na bawal pala. akala ko souvenir namin. :-)

19. Bawal iuwi sa bahay ang mga pagkaing dinala para sa miryenda ng mga nakipag libing. - Malas daw.

Ang sabi eh pagkain, kaya iniuwi ang sobrang inumin :-).  Ipinatapon ng mga matatanda  ang inumin ng malaman nila ito bago pa maipasok muli sa bahay. Sayang.


20. Bawal dumiretso sa sariling bahay ang mga nakiramay - Para raw mailigaw ang mga multo na sumusunod.

Nasa Maynila na ako ng malaman ko ito dahil sa probinsya namin eh diretso uwi kami. Wala naman kaming nakita na sumunod na multo . :-).

21. Dapat maghanda ng maligamgan na tubig na may dahon ng bayabas na harapan ng bahay ng namatayan. Dito maghuhugas ng kamay ang mga tao na sumama sa libing. - Para raw matanggal ang mga malas.

Dalawang beses pa lang ako na nakakakita nito dahil hindi ito ginagawa sa aming probinsya kaya sa tingin ko, ilang lugar lang ang gumagawa nito.



Minsan natatawa na lang tayo sa mga pamahiing ito lalo na kung iisipin natin kung ano ang tunay na katuturan at kung ano ang saysay bakit natin ito ginagawa, pero sabi nga nila wala namang masama kung gagawin mo, basta ang mahalaga ay ligtas ang lahat.

PAMAHIIN

1.  Pagtulog at Pananaginip (Sleeping and Dreaming)
  • Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by turning your pillow upside down.)
  • Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan. (Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)
  • Kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging palatandain.  (If a person sleeps on her book, she will have a good memory.)
  • Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip. (After studying at night, place the book you've been studying under your pillow, and you will retain what you have read.)
2.  Kapag Gabi Na (When Night Falls)
  • Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.)
  • Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo.  Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay.  (Don't comb your hair at night, lest you become bald, orphaned, or widowed.  But if you must comb at night, bite the tip of the comb first.)
  • Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang.  Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang.  (When walking with friends, especially at night, always travel as a group of even number.  If it is an odd number, one of you will be taken away by the spirits to make the number even.)
  • Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende.  (Washed clothes should be taken fromt he clothesline at night, lest they be stolen and worn by dwarfs.)
3.  Sa Ilang Mga Araw (In Some Days)
  • Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon. (Whatever you do or feel on New Year's Day will continue the rest of the year.)
  • Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito.  (Better to find money on New Year's Day than spend it.)
  • Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao.  (Jumping on Easter morning hastens growth and makes a person taller.)
  • Kapag tumunog ang kampana sa Lingo ng Pagkabuhay, sumigaw ng napakalakas at ikaw ay magkakaroon ng mahabang buhay.  (When the bells ring on Easter Sunday, shout at the top of your lungs and you will have a long life.)
4.  Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)
  • Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo.  (Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)
  • Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad.  Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos.  (Never give a pair of shoes away for free.  Either throw up the shoes up int he air and let the prospective owner pick them up, or let him or her buy it for five centavos.)
  • Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo.  (Don't seat on books, or you will be dumb.)
  • Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende.  Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit.  (Before throwing hot water onto the ground, give a warning to the elves.  When harmed, they may retaliate by making you sick.)
  • Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu.  (Before stepping on an anthill, first ask to be excused.  Otherwise, a spirit may play tricks on you.)
  • Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon.  (Carry a piece of ginger on your body when you visit a place not frequented by others, so that the evil spirits of that place will not harm you.)
  • Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon.  (If you walk int he forest, rub your feet with garlic to prevent animals from harming you.)
  • Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto.  (Do not harm or cut down a balete tree, because it is a dwelling place of fairies and enchancted spirits.)
  • Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit. (Don't whistle or sing in the forest, lest the enchanted spirits imitate you and cause to fall ill.)
  • Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo. (If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)
  • Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos.  (To overcome stage fright when speaking in public, tuck one-centavo coin inside the shoes you are wearing.)
  • Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes.  (Don't cut your nails at night, or on Tuesdays, Wednesdays, or Fridays.)
  • Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan.  (If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)
  • Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran.  (To prevent rain, take ashes from the kitchen and spread them over your yard.)
  • Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang manakit ng mga tao.  (Don't go out on Holy Thursday and Good Friday, for evil fairies are roaming around to hurt people.)
5. Kailan Di Dapat Maligo (When Not to Take a Bath or Shower)
  • Huwag maliligo sa araw ng Biyernes (Don't take a bath on a Friday.)
  • Huwag maliligo sa hapon. (Don't take a bath in the afternoon.)
  • Huwag maliligo sa gabi.   (Don't take a bath in the evening.)
  • Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan. (Don't take a bath on the first Friday of the month.)
  • Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo. (Don't take a bath on a Good Friday.)
  • Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon. (Don't take a bath on New Year's Day.)
  • Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro. (Don't take a bath on the feast day of St. Lazarus.)
  • Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan.  (Don't take a bath on the thirteenth day of the month.)
  • Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom. (Don't take a bath when you are hungry.)
  • Huwag maliligo matapos kumain.  (Don't take a bath after eating.)
  • Huwag maliligo bago magsugal. (Don't take a bath before gambling.)
  • Huwag maliligo pagkatapos magsimba. (Don't take a bath after going to church.)
  • Huwag maliligo sa kapag may bahag-hari.  (Don't take a bath when there is a rainbow.)
  • Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan. (Don't take a bath during a full moon.)

Mga 108 na PAMAHIIN

Mga Pamahiin

Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensiya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga Filipino.
Maraming mga pamahiin ang sinusunod natin, ito'y namana nating sa mga nakatatanda sa atin. Ang hindi pagsunod sa mga pamahiing ito ay nagdudulot ng kamalasan, ayon sa mga nakatatanda. Ang mga kaugaliang ito ay mga paniniwala sa isang bagay, gawain, o pangyayari na nakaaapekto sa mga espesipikong na kaugalian natin, ngunit wala itong kahit anong lohikal na kaugnayan sa kalalabasan nito. Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian na kinagisnan mula pa sa ating mga ninuno, buhat pa noong unang panahon at tinataglay pa rin ng marami, lalo na yaong mga naninirahan sa malalayong lalawigan.

 Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panunturan ng pang araw-araw na buhay ng ibang tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain, plano, o hangarin nila sa buhay. Maaaring ginagawa nila ang mga ito bilang respeto at pagbibigay-galang sa mga nakatatandang nagpayo sa kanila na sumunod sa mga pamahiin.

Halimbawa ng mga pamahiin

1. Kailangang apakan ng babaeng ikinakasal ang paa ng lalaki habang papunta sa altar upang siya ang maging dominante sa kanilang pagsasama.
2. Buwenas para sa ikinakasal kapag umulan sapagkat nangangahulugan ito ng kasaganaan sa kanilang pagsasama.
3. Ang sinumang babeng sumonod sa dinaanan ng bagong kasal habang nagpapaso sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
4. Masama para sa magkapatid ang magpakasal sa loob ng iisang taon.
5. Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal.
6. Kapag naunang tumayoang babaeng ikinasal mula sa pagkakaluhod sa seremonya ng kasal ay magiging dominante ito. Kabaligtaran naman kapag ang lalaki ang nauan.
7. Sa babaeng may asawa, kailangang kanang paa palagi ang unang ihakbang tuwing uuwi ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama.
8. Para sa bagongkasal, ang sinumang maunang gumasta matapos ang kasal ang siyang magiging dominante sa kanilang pagsasama.
9. Kung Mayroon kang kasambahay na buntis, masama ang pumatay ng tuko sapagkat malamang na mamatay rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
10. Kapag pinalo ng buntis ang isang hayop ay ganoon din ang magiging mukha ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
11. Ang balat ng isang sanngol ay palatandaang ang kanyang ina ay mayroong pinaglihiang hindi niya nakain. Kailangang hipuin ng isang buntis ang kanyang puwit upang sa puwit din ng bata mapunta ang magiging balat nito.
12. Ang kutis o hitsura ng sanggol ay depende sa pinaglihian ng kanyang ina. Kapag mga mapuputi at magagandang bagay ang napaglihian ay ganun din ang magiging hitsura ng sanggol.
13. Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang buntis, siya ay magkakaanak ng babae. Kabaligtaran naman kapag sa kanan.
14. Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.
15. Kapag pinagtawanan ng isang buntis ang isang taong may kapansanan, ang kanyang magiging anak ay magkakaroon di ng ganoong kapansanan.
16. Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag kagampan ng kasambahay na buntis sapagkat tiyak na mahihirapan itong manganganak. Masama rin para sa isang buntis ang maupo sa hagdan ng bahay.
17. Kapag mayroong nagaganap na eklipse, kailangang magsilabas ng bahay ang mga buntis upang hindi maging abnormal ang kanilang magiging anak.
18. Upang maging maginhawa at hindi mahirapang manganak ang isang babe, kailangan buksan ang lahat ng bintana at pintuan. Kailangan ding kalagin ang anumang buhol sa lubid sa paligid at maglagay ng kutsilyo o lanseta sa ilalim ng kama nito habang nanganganak.
19. Ang sinumang lalaki ay maglilihi kapag nahakbangan ng kanyang asawang naglilihi.
20. Kapag ang isang bagong silang sa sanggol ay dina mitan ng lumang damit, siya ay magiging matipid kapag lumaki.
21. Ang sinumang bagong silang na sanggol na umiyak nang malakas ay magkakaroon ng mahabang buhay.
22. Upang maging matalino ang bagong silang na sanggol, kailangang ibaon ang kanyang inunan sa lupa na mayroong kasamang lapis at papel.
23. Makabubuti kapag pabibinyagan ang bata sa parehong araw rin na siya ay ipinganak.
24. Ang isang sanggol ay magiging makaama kapag dinamitan ito ng damit na ginamit na ng ama. Kabaglitaran naman kapag damit na nagamit na ng ina ang isinuot dito.
25. Kapag ang isang sanggol ay mahilig dumila, ibig sabihin ay mayroong pagkaing napaglihian ang ina nito na hindi na kain.
26. Kapag ang anak na bibinyagan ay panganay, kailangang ang lolo o kaya ay ang lola ang siyang pumili ng ipapangalan sa bata upang magkaroon ito ng mahaba at masaganang buhay.
27. Kapag sabay na pabibinyagan ang anak na babae at lalaki, kailangang maunang binyagan ang lalaki sapagkat kapag nauna ang babae ay hindi tutubuan ng balbas ang lalaki paglaki samantalang magkakabalbas naman ang babae. Malamang din na magkabaligtad ang kanilang ugali.
28. Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang masamang espiritu sa bata.
29. Kapag pinalo ng sandok o kaya ay hinalikan ang isang bata habang natutulog, lalaki itong pilyo o pilya.
30. Masamang maglagay ng pabango sa isang sanggol sapagkat siya ay kagigiliwan ng mga anghel kaya't malamang na mamatay ito.
31. Kapag ginupitan ng buhok ang isang batang wala pang isang taong gulang, lalaki itong matigas ang ulo. Gayundin kapag pinutulan ito ng kuko sa gayong edad.
32. Ang sinumang batang mayroong dalawang puyo o "cowlick" matigas ang ulo.
33. Masamang ipahalik ang sanggol sa kapwa sanggol sapagkat hindi ito matututong magsalita.
34. Kapag hinalikan ang sanngol habang dumudumi ito, magiging mabaho ang kanayang hininga paglaki.
35. Masamang magdaan sa bintana ang isang bata sapagkat malamang na lumaki itong isang magnanakaw o kaya ay magtanan ito kapag nag-asawa.
36. Sa libing, kailangang ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng hukay ng yumao upang huwag itong balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
37. Kapag ang hagdan ng bahay ay mayroong labintatlong baitang, ang may-ari ng bahay ay maagang mamatay o kaya ay maghihirap.
38. Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika-13 ng anumang buwan.
39. Masamang maglakbay kapag kayo ay labintatlo katao sapagkat malaman na mamatay ang isa sa inyo.
40. Malas ang gusaling mayroong ika-13 palapag.
41. Ikaw ay bubuwenasin sa inyong pupuntahan kapag ang kanan ng iyong sapatos ang una mong isinuot.
42. Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pag-aaway sa pamilya.
43. Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas.
44. Upang buwenasin ka sa inyong paglalakad, kailangang unahing isuot ang kanang medyas bago kaliwa.
45. Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan.
46. Kapag ikaw ay nakalabag sa batas trapiko, halikan mo ang iyong mga daliri at hipuin ang bubong ng iyong sasakyan upang hindi ka mahuli sa pulis.
47. Kapag ikaw ay napadaan sa isang yungib o tunnel, iwasan mo ang huminga at gumawa ng isang kahilingan habang nasa loob nito at iyon ay magkakatotoo.
48. Mamalasin ang sinumang maglalakbay kapag siya ay natalisod o kaya ay nadapa bago umalis ng bahay.
49. Kapag kayo ay lilipat ng tirahan, huwag dalhin ang pusa sa bagong lilipatang bahay upang hindi malasin ang inyong bagong tahanan.
50. Ang pusa ay mayroong siyam na buhay.
51. Kapag mayroong pusang sumunod sa iyo habang ikaw ay naglalakad, ikaw ay magkakapera.
52. Kapag ang isang pusa ay bumahing, ito ay nagpapahiwating ng pag-ulan.
53. Mamalasin ang sinumang magdadala ng pusa sa kanayng paglalakbay.
54. Kapag naglalaro ang pusa habang sakay ng barko, ibig sabihin ay mayroong magandang panahon.
55. Kapag ang pusa ay nagngingiyaw habang sakay ng barko, malamang na maaksidente ito.
56. Kapag ikaw ay nagbaon ng pusang itim na buhay sa araw ng Biyernes Santo, balikan a ukayin mo ito sa Biyernes Santo ng susunod na taon upang ang mga buto nito maging anting-anting.
57. Hindi mahusay manghuli ng daga ang alinmag pusa na ipinanganak sa buwan ng Mayo.
58. Kapag ang inyong alagang pusa ay maghilamos ng kanayng mukha nang nakaharap sa pintuan, may darating kayong panuhin.
59. Kapag ikaw ay natinik, iahaplos mo sa kamay ng pusa ang iyong leeg upang maalis ang tinik.
60. Isang masamang palatandaan kapag mayroong itim na pusang tumawid sa inyong daraanan sapagkat malamang na ikaw ay maaksidente.
61. Ikaw ay bubuwenasin kapag ikaw ay nilapitan ng itim na pusa. Kabaligtarang naan ang mangyayari kapag nilayuan ka nito.
62. Masamang malapitan ng pusa ang isang sanggol sapagkat inaagaw nito ang kanyang hininga.
63. Masamang makakita ng puting pusa sa gabi.
64. Kapag mayroong pusang itim na lumalakad sa ilalim ng hagdan, mamalasin ang taong umakyat sa hagdanang iyon.
65. Upang balikan ka ng umalis na asawa, ilagay mo ang kanyang damit na naisuot na sa ilalim ng inyong lutuan at siya ay tiyak na magbabalik.
66. Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan ka rin ng isang kasambahay.
67. Kapag ikaw ay naligaw sa kagubatan, baligtarin mo ang iyong damit upang muli mong makita ang tamang daan pabalik.
68. Ang iyong kahilingan ay magkakatotoo kapag napatay mo ang mga kandila sa iyong birthday cake sa isang ihipan lamang.
69. Kung ano ang bilang ng mga ekis sa iyong kanang palad ang siya ring bilang ng iyong magiging anak.
70. Ang sinumang taong ipinanganak na mayroon ng ipin ay madaling mamamatay.
71. Ang sinumang taong mayroong malaking tainga ay magkakaroon ng mahabang buhay.
72. Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.
73. Kapag dumikit sa iyong ngala-ngala ang ostiya o kaya ay nahulog ito sa iyong pangungumunyon, ibig sabihin ay mayroon kang kasalanan na hindi naikumpisal.
74. Ang sinumang magnakaw ng abulog o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.
75. Ang sinumang makakakuha ng panyong ginamit na pantali sa ulo ng patay ay makapagnanakaw nang hindi mahuhuli. Ang panlaban dito ay ang paglalagay ng isang timbang tubig na mayroong kutsilyo sa likod ng iyong pinto.
76. Kapag ang inyong alagang aso ay nanganganak ng marami, itapon mo ang isa sa mga ito upang hindi ito mamatay isa-isa at lumaki ang natitira pang mga tuta nang malusog.
77. Kapag ang inyong aso ay nagsusungkal o naghuhukay ng lupa sa loob ng bakuran, nagbabadya ito ng kamatayan sa inyong pamilya.
78. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas.
79. Ang sinumang sanggol na makakain ng ari ng babaeng baboy ay magiging madaldal paglaki.
80. Iwasang lumapit sa kulungan ng mga baka kapag kumukulog at kumikidlat sapagkat ang mga baka ay nakaaakit ng kidlat.
81. Kapag ang buntot ng baka ay bahagyang nakataas, ibig sabihin ay malapit nang umulan.
82. Masamang hipuin ng babae o kaya ay hakbangan nito ang mga kagamitan ng isang mangingisda sapagkat malamang na hindi ito makahuli ng isda.
83. Masamang mangisda kapag mayroong namatay sa inyong tahanan.
84. Magkakaroon ng maraming huli ang isang mangingisda kapag siya ay nakasalubong o nakakita ng paruparu habang patungo sa dagat.
85. Kapag ang isang mangingisda ay lumingon sa kanyang likuran o sa pinanggalingan habang patungo sa dagat ay kaunti lamang ang mahuhuli nitong isda.
86. Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-alaga ng putting kabayo.
87. Ikaw ay susuwertehin sa buhay kapag mayroong ahas na bumagtas sa iyong dinaraanan.
88. Kapag iyong minura at pinagsalitaan ang mga daga, lalo itong mamiminsala sa inyong mga kagamitan tulad ng damit at iba pa.
89. Ikaw ay mamalasin sa buhay kapag ikaw ay pumatay o kaya ay nagwasak ng bahay ng gagamba.
90. Ikaw ay bubuwenasin kapag mayroong gagambang nahulog sa iyong ulo o mukha.
91. Kapag may nakita kayong gagambang gumagapang sa inyong suot na damit, kayo ay makakatanggap ng salapi sa lalong madaling panahon.
92. Kapag may bubuyog na dumapo sa sanggol habang natutulog, nangangahulugan na magkakaroon ng magandang kapalaran ang bata.
93. Kailangang magbuhol ng inyong panyo kapag ikaw ay nakarinig ng huni ng kuwago sa katanghalian upang hindi magkaroon ng masamang pangyayari.
94. Kapag nakarinig kayo ng huni ng kuwago malapit sa inyong lugar sa hatinggabi, ibig sabihin ay mayroong mamamatay.
95. Kapag mayroong pumasok na paniki sa loob ng inyong tahanan, ito ay nangangahulugang mayroong taong mamamatay.
96. Kapag ikaw ay dinapuan ng putting paruparu habang ikaw ay nasa loob ng simbahan, ibig sabihin ay kinalulugdan ka ng Diyos.
97. Kapag mayroong putting paruparo sa inyong tahanan habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay malinis ang kaluluwa ng taong namatay.
98. Kapag puti ang kulay ng unang paruparong makikita sa isang araw, ikaw ay bubuwenasin sa maghapon.
99. Masuwerti sa buhay ang magsuot ng damit na mayroong disenyo ng mga paruparo.
Masamang pumutak ang inahing manok kung gabi sapagkat malamang na mayroong mamatay sa inyong lugar.
100. Kapag nakakuha kayo ng pitso o "wishbone" habang kumakain ng manok, pagtulungan ninyo itong baliin at sinuman ang makakuha ng dulong korona nito ay matutupad ang kanyang kahilingan.
101. Bubuwenasin sa buhay ang sinumang bagong kasal kapag ang kanilang alagang inahing manok ay putak nang putak.
102. Ang itlog na iniluwal nang biyernes santo ay hindi nabubugok.
103. Masamang mag katay ng manok habang may nakaburol sa inyong tahanan sapagkat malamang na may sumunod na mamatay sa inyong pamilya.
104. Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-aalaga ng putting tandang.
105. Kapag tumilaok ang tandang habang nakaharap sa pintuan, mayroon kang panauhin na darating.
106. Ang sinumang taong may dalang tandang patungo sa sabungan at may nakasalubong na patay o buntis ay tiyak na matatalo.
107. Ang kuliglig ay nakapagdadala ng suwerte sa tahanan.
108. Isang masamang palatandaan kapag kayo ay nakarinig ng huni ng uwak malapit sa inyong tahanan sapagkat malamang na mayroong mangyayaring masama sa inyong pamilya.